Thursday, February 10, 2011

Wannie the Great


Siya si Wannie... siya ang dahilan kung bakit narito itong blog na ito. Siya rin ang dahilan kung bakit lagi akong inaantok... at higit sa lahat, siya rin ang dahilan kung bakit biglang napasama ang Seoul sa mga lugar na pinapangarap kong puntahan. Dati-rati, ayoko sa South Korea. North Korea ang tinatarget kong puntahan: sa Tomb of King Dongmyeong sa Pyongyang. Si King Dongmyeong ang founder ng Goguryeo, isa sa Three Ancient Kingdoms of Korea. Pero mula nang mapanood ko itong lokong ito sa "Snow White Sweet Love", natuwa na ako sa kanya. Naging masyadong favorite ko na siya.

Actually, noon pa lang sa Stairway to Heaven (2004) na kung saan ay gumanap siya bilang batang Tae-Hwa ay napansin ko na siyang magaling umarte. Kaya lang, busy ako noon. Taong 2005, ipinakilala siya ulit ni Chieklet sa akin, at sinabing crush niya si Wannie. Again, deadma... crush ng pamangkin ko eh. I'm sure, bata pa 'yun. Pero nitong January 2011, nang mag-absent ako at walang magawa, sinubukan kong panoorin ang "Snow White Sweet Love" sa Internet. Natuwa ako sa kanya kaya lahat ng mga series na may kinalaman siya, pinagbibibili ko.

Naloloka na naman ako!! Hindi madalas sumumpong ang pagiging muret ko (the last time was in 1985) pero kapag nagsimula ito, malala! Ano naman kaya ang paggagagawin ko? Hmmmmm... dapat ko itong abangan!